Wednesday, August 27, 2008

My Phone is in Critical Condition

hay 3 days na akong walang cellphone..naaksidente kasi siya nung sunday. nahulog sa bulsa ko. namimiss ko nang magtext pero ok rin na wala siya kasi nkakapagseryoso akong magbasa ng books. at least nkapagpahinga siya sa kakapindot ko.

nung naaksidente siya xa, feeling ko nawalan ako ng mahal sa buhay. nalungkot ako kasi nawalan ako ng katabi sa pagtulog at wala ng gumigising sakin.

binubuhay siya ngayon ng Nokia Care sa G3. dapat kukunin ko na siya nung tuesday pero tinatamad pa ko kasi pipila na naman dun.

alam kong mabubuhay siyang muli pero kahit ano'ng gawin, bali-baliktarin man ang mundo, di mawawala sa isip kong nasira siya. maayos man siya, nasira parin.

sa mga nagtetext, sorry di ko kayo mareplyan.

kawawang cellphone. =(

No comments: